Ang isang taon, mabilis lang pala talagang lilipas. Para kasing sa bawat pagkilos na nagaganap sa paligid. Naaalala ko ang taong naging mahalaga para sa akin.
Ganitong panahon rin noon, ang mga talahib namumulaklak na. Kaya kapag humahangin, nagliliparan ang mga sprout na kung tawagin namin nung mga bata pa kami ay "wish". Dati kasi'y ang paniniwala namin ay magkakatotoo ang hiling mo kung makakakuha ka nito at hihipan mo ito papalayo.
At ngayon sa bawat pagdampi ng hangin sa balat ko, mayroon akong alaalang naididikit. At kung mayroon akong maaamoy mabaho man o mabango, siguradong may magpapaalala sa akin sa mga panahong nagdaan.
Kapag may usapan sa paligid at maririnig ko ang pangalang Claire, bigla na lang akong kinakabahan. At kahit sa gitna ng maraming tao, tila ba nakikita ko pa rin siya. Minsan sinusundan ko pa para lang mapahiya ako sa sarili dahil hindi pala siya iyon.
Claire, oh mi Claire... Gusto kitang mahawakan ulit... At halikan ulit... At muling gawing ako lang ang gugustuhin mo...
ANG DAMING PARANOID SA NGAYON... may makita lang... may maamoy lang... may marinig lang... may mahawakan lang... may malasahan lang... napaparanoid na... Ako buti na lang inborn na ang paranoia sa akin...
E ano ngayon kung may dimples ka? Ano'ng akala mo, in-love pa rin ako sa iyo???
E ano ngayon kung enchanted ako sa kaputian mo, sa mata mo, sa buhok mo???
E ano ngayon kung kahit malayo ka pa lang ay nalalanghap ko na ang estrogen mo na nagpapataas sa testosterone ko...?
'Wag mong samantalahin ang taong nagmamahal sa iyo...Pahalagahan mo naman ang damdamin ko.
Hindi ako ang nagpaalam, hindi ako ang basta na lang nawala ng gabing iyon at hindi na nagpakita pa kahit kailan.
Nakakaasar kasi, sino ka ba sa buhay ko? Bakit patuloy ko pa rin minamahal ang alaala mo? Sana nga namatay ka na lang para alam ko kung nasaan ka? Sa langit ka lang naman mapupunta... Pero ako kasi ang pinapatay mo, pero ayokong mapunta sa impiyerno.
Hindi naman kasi kita minahal nung simula... Nabighani mo lang naman ako. Masyado ka kasing maganda, kaya nanatili ka sa photographic memory ko.
Nung matuklasan kong gusto kita hindi lang naman dahil sa sinabi iyon ng puso ko, dahil din iyon sa pheromones na nagbigay signal sa brains ko.
Pero ngayon hindi ko na kayang pagkaisahin ang isip at puso ko. Pinipilit kong buksan ang puso ko pero kusa na itong sumasara dahil sa mga pasakit na ibinigay mo.
Dahil sa matinding physical attraction ko ayaw nang huminto ng chemical reaction sa utak ko. Sana tumigil na ang hormones ko na nagpupumilit na mapalapit sa iyo.
At ngayong panahon na naman ng pamumulaklak ng mga talahib... Malamang magpupunta na naman ako sa talahiban para humiling sa maraming-maraming "wish" na naglilipadan sa kalangitan...
-jhayyz
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment