Sunday, October 25, 2009
SA PUNO NG MANGGA
Kung ang lahat ng preso ay walang kasalanan, bakit sila nakakulong? Kung lahat sila ay napagbintangan lang, ibig sabihin ba niyon ang daming nakalalayang kriminal ngayon?
SUSUNOD!!! Ang mga pasabog tungkol sa nahuling illegal logger, kagabi... ABANGAN!!!
Bakit aabangan pa??? NOW NA!!!
..........May isang puno ng mangga ang nakatayo sa bukana papunta sa burol. Ipinagbabawal ng pamahalaan ang putulin ito dahil mahigit pa raw sa isang daang taon na itong naroroon.Dito nagtatagpo ang magkasintahang Kris at Boy.
Sa punong iyon nila pinalilipas ang mga oras at magkasamang nangangarap na balang araw ay makakabuo rin sila ng isang masayang pamilya saoras na maikasal na sila.
"Kris, mahal namahal kita. Hindi na ako makapaghintay sa araw ng kasal natin" niyakap ni Boy ang kasintahan.
"Huwag kang mainip sa makalawa ay ikakasal na tyo. Pangako, magiging masaya tayo habang-buhay." ani Ligaya habang hindi pa rin siya binibitawan ni Boy.
Tumayo si Boy at iniukit ang mga pangalan nila sa may sanga ng puno. Pinagmasdan nilang dalawa ang matayog na puno ng mangga. Tiningala nilaito at kapagdaka ay nagsalita si Boy.
"Ang punong ito ang naging saksi sa pagmamahalan natin. Kris, maaari ba'ng magkita ulit tayo dito bukas bago man lang tayo maikasal?"
Sumang-ayon naman si Kris sa naisip na iyon ni Boy. Kinabukasan, iniayos na niya ang kanyang dadalhin bago pa siya pumunta sa kanilang tagpuan. Nais kasing sorpresahin ni Boy si Kris kaya bibigyan niya ito ng kuwintas.
Subalit ng makarating siya sa kanilang tagpuan ay naabutan niyang nakabagsak na ang puno ng mangga. Nandoon ang ilang mga kalalakihan na may dalang de kuryenteng lagari at naririnig niya pa ang malakas na pagtunog nito. Sinubukan niyang pigilan ang mga ito ngunit sinabihan lang siyang huwag makialam. Walang anu -abo'y may narinig siyang sirena ng sasakyan. Hindi malaman ng mga lalaki ang gagawin kaya isa-isa itong nagpulasan.
Naabutan ng mga pulis na nandoon si Boy at hawak-hawak pa ang pamputol ng puno (Hep! Hindi sila na-late dito). Inakala ng mga pulis na siya ang may kagagawan kaya hinuli nila si Manolito.
Doon dumating si Kris. Umaawit pa ito habang naglalakad patungo sa kanilang tagpuan. Ganoon na lang ang pagkagulat niya ng makitang isinasakay ng mga pulis si Boy sa sasakyan at nakaposas ang kamay nito. Humahangos siyang lumapit kay Boy.
Sinabi sa kanya ni Boy na wala siyang kasalanan at nainiwala siya rito. Halos ayaw niyang bitiwan ang kamay ng kasintahan. Subalitpinaghiwalay na sila ng mga pulis. Tinangay na si Boy. Pinagmasdan niya na lang ito habang papalayo.
Naiwan si Kris na umiiyak sa harapan ng nakatumbang puno ng mangga. May napansin siyang maliit na kahon sa tabi nito at nang buksan niya naroon ang kuwintas na ibibigay sana ni Boy. Dahil doon mas lalo pang lumakas ang kanyang pag-iyak dahil naisip niyang hindi na magkakatotoo ang mga pangarap nila ni Boy.
.....Sa Pilipinas lang ba mabagal ang hustisya? Malamang oo, kasi sa mga napapanood kong pelikulang banyaga. Palaging nasa gitna ng aksiyon ang mga pulis doon. Hindi katulad dito laging nasa hulihan ng istorya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment