Sunday, October 25, 2009

NA UUSO NANAMAN

Bukod sa mga pornographic film na paborito kong panoorin sa portable DVD Player. Nahihilig din akong kumain ng "Jjampong na Pipitsugin" Ito 'yung noodles na babanlian lang ng mainit na tubig at makapipili ka pa ng ng kung anong flavor ang gusto mo.

Marami nang nausong pagkain ang itininda sa paligid-ligid. Nung magsimulang mauso ang pearl shake. Naintriga ako ng husto sa kung ano ba 'yung black pearl. Kaya bumili ako at sa pagdaan ng mga araw na iba-ibang flavor ang bibibili ko'y natuklasan kong pinakanagustuhan ko ang Cookies and Cream.

Ang isa pang nauso nung highschool pa lang ako ay ang shawarma. Pero hanggang sa oras na ito ay hindi pa rin ako nakakatikhim kaya wala akong masasabi tungkol dito.

Nung maging hit sa takilya ang calamares sa mga gilid ng kalsada. Nakikipag-buno pa ako makuha lang ang parteng galamay, dahil sa aking palagay mas mura 'yon sa halagang tres pesos. Pero bago ang calamares nauso muna ang mga stall na nagtitinda ng kikiam, squid ball, chicken ball at kung anu-ano pang may ball.

Nung matipos naman ako nung anim na taon pa lang ako ay naging paborito ko ang biskwit na Marie at ang Cherryball. Nauso din kaya 'yung bubble gum na maasim at 'yung bubble gum na kumukulay sa dila. Bakit kaya panay bubble gum ang kumakamada sa kukote ko? Baguhin naman natin ng bahagya... O di ba nauso din ang Plastic Baloon? Dati nga ipapalobo ko pa 'yon ng malaki tapos, isusuot sa ulo, tapos magpapalobo ulit at ipapatong hanggang sa maging tatlong layer ng lobo ang nakapatong sa ulo mo. At 'pag tinanggal mo na lalamukusin mo'ng parang papel at kapag nakita mo 'yung batang eengot-engot itutuktok mo sa noo niya kaya puputok at magugulat naman 'yung batang eengot-engot.

Nauso din nung bata pa ako 'yung tipak-tipak na scrap candy na kulay pula. Ang tawag namin dito ay Magic Candy. Sa halagang piso mabubungi ka na. Nauso din 'yung candy na kapag kinain mo ay pumuputok sa loob ng bibig mo.

Nagkakabanggitan na rin lang ng candy, isa rin sa all-time favorite ng marami ang Ice Candy na iba-iba ang flavor. Munggo, Milo, Grapes... Ayoko nang banggiting ang iba dahil hindi ko 'yon gusto. Naku 'eto pa, nauso din ang Ice Cream Stick, chocolate flavor lang ang nagustuhan ko.

Sa mga laruan nauso ang mga Trolls na iba-iba ang kulay ng buhok, nakahubo naman lahat. Matagal nang palaisipan sa akin ito kung kung babae ba o lalake si Trolls? Wala kasing pooot-poot at tooot-toot!!!

Nung mabait na bata pa ako niregaluhan ako ni Santa Claus ng laruang puppet na sumusuntok. Oo, nauso din 'yon!

Sa mga palabas sa TV. Nauso din ang Time Travel Tondekeman. Paborito kong panoodin 'yon dahil nakakapaglakbay sila sa ibat-ibang panahon gamit ang takure. Nauso din ang pagkatagal-tagal na Sailormoon, sa sobrang dami ng episode wala akong matandaan. Nauso din si Mojacko 'yung bilog na orange na mabalahibo.

Sa dami ng nauso, bakit kaya hindi mauso ang Family Planning sa Pilipinas? Kaya lang ayaw ng simbahan sa mga artipisyal na paraan. Kahit pa maganda ang layunin ng Reproductive Health Bill. Magiging talamak daw ang pakiki-apid. Bakit, hindi pa ba talamak??? Ewan ko nga ba sa mga kababayan ko, ayaw nila sa plastik, ayaw din nila sa prangka. E ano ba talaga?

Ganunpaman, hindi na mahalaga kung natural o artipisyal ang paraan ng pagpa-plano ng pamilya. Ang mahalaga ay mapabagal ang mabilis na pagdami ng populasyon. Karugtong ng pagdami ng tao ang kahirapan. Ang daming nag-aagawan sa kaunting oportunidad.

Nauso na ang Caregiving Course. Nauso na ang lahat ng magagandang gadget, Computers, Information Technology. Pero hindi pa din tayo nauusuhan ng pag-unlad sa bansa natin. Sayang ang mga emosyon at pagsisikap. Baka dumating ang panahon sa sobrang dami ng naghihirap, hindi na mauso ang mangarap...

Sa panonood ko ng mga pornographic film. Madami akong natutunang mga nauusong posisyon sa sex. May lying... May sitting... May kneeling... Magkakaroon kaya ng Flying Position?


-=jhayYz

No comments:

Post a Comment