Ayoko talaga sa panahon ng tag-ulan. Napuputikan kasi ako kapag naglalakad. Magastos pa dahil napipilitan akong mamasahe kahit malapit lang ang pupuntahan. Mas okay pa nga sa akin na mabasa ng pawis, huwag lang mabasa ng ulan. Dahil ang pinakaayaw ko talaga kapag umuulan ay tinatamaan ako ng matinding kalungkutan.Gustung-gusto ko ang tag-araw. Dahil sa panahon na iyon ay mas maligaya ako kaysa isang ordinaryong araw. Mabilis din makapagpatuyo ng nilabhang damit kaya ang mga polo ko na bulaklakin ang disenyo ay madalas kong nagagamit. Kapag summer din ay trip na trip ko ang magpa-tan ng balat.Ewan ko ba, pero kapag tag-init pakiramdam ko ay mas malakas ako. Pakiramdam ko'y akin lang ang buong oras at walang makakaagaw. Kung tutuusin, hindi lang dalawa ang uri ng panahon sa Pilipinas. Tag-araw... Tag-ulan... Tag-Pasko... Tag-Valentine...Dati ay masasabi mo pang sa mga petsang ganoon ay panahon ng tag-araw o di kaya ay tag-ulan. Pero ngayon kahit sa kalagitnaan ng matindihang pagsikat ng araw sa buwan ng Abril ay maaari na ring umulan dahil sa epekto ng Global Warming.Itong mundong ito ay tuluyan na talagang nabaliw. Hindi na niya maintindihan pati ang sarili niyang sistema at dumarami na ang taong naniniwalang ang bukas ay walang dalang bagong pag-asa. Kaya marami ang nasisiraan ng ulo dahil sa pabago-bago ang panahon.Ang buhay natin ay parang isang malaking katarantaduhan. Bibigyan ka ng matinding fighting spirit pero unti-unti ding mauubos iyon. Nangyari nang umasa ako ng buong puso dahil sa palagay ko'y iyon ang dapat gawin. Pero nabigo lang ako. Natutong umasang muli dahil sa iyon daw ang dapat. Para lang muli kong matuklasang wala naman pala talagang dapat asahan. hanggang sa tuluyan na akong mapagod umasa.Kaya gagawa ako ng sarili kong mundo. Iyong maganda at masaya. Para kung sa oras na kailangan ko ng lumabas sa mundong ginawa ko. Masasabi kong naranasan kong maging totoong maging maligaya kahit papaano.Sa medyo madami-dami ko din naman naging kaibigan at naging kaibigan. Alam nilang mahilig akong magsuot ng White T- shirt. Pero wala sa kanilang nangahas magtanong kung bakit nga ba? At ang sagot ko'y simple lang naman. At least, kahit sa Disyembre ay pwede kong isiping summer pa din at iyon ay choice ko.Magiging malungkot ako sa mga panahong dapat ay malungkot ako. At magiging masaya ako sa mga panahong dapat at masaya ako. Ganoon lang kasimple, pero dahil sa luku-luko na talaga ang mundo, sa simpleng bagay na gusto kong maramdaman pati yion ay ginagawang komplikado.Ayoko talaga sa panahon ng tag-ulan dahil hinahatak akong lumakad sa gitna ng ulan. Upang maramdamang sa bawat pagpatak at pagbuhos nito ay mahuhugasan ang masakit na pakiramdam sa kaluluwa. Isang malaking kalokohang dramang marami na ang bumili, gumawa, at sumikat.Mas gusto ko pa rin ang tag-araw dahil mas madaling isiping ang mukha mo ay isang smiley at may hawak kang isang lobong may mukha ding smiley.Kapag idinrowing mo ang ulan di ba, isang ulap na may pumatak na tubig? At kung lalagyan mo pa ng mukha ang ulap magmimistula itong lumuluha? Kaya para sa akin, simbolo ito ng kalungkutan. At ang araw ay madalas iguhit sa papel na nakangiti. Mga taong may sira lang ang ulo ang magdodrowing ng araw na umiiyak.
-jhayYz
-jhayYz
No comments:
Post a Comment