Sunday, October 25, 2009

MAHALAGA

Ewan ko ba, pero, siguro hindi magkakaroon ng saysay ang buhay, kapag hindi mo mararanasang makatapak ng tae sa kalsada... Kapag hindi mo na-experience. Hindi ka magiging "in" sa latest craze sa Pinas. Kaya ako, updated ako palagi, iba't ibang kulay na nga ng ebs ni Tagpi ang natapakan ko.Para sa akin, mas mabuti nang makatapak ka ng tae kaysa makatapak ka ng tao. Dahil ang tae kahit ilang beses mo pang tapakan, hindi naman iyon magrereklamo. Pero ang tao, kapag natapakan mo ang kanyang pagkatao. Siguradong aaray iyon.Kaya nga napakalaking bagay ang paghingi ng "sorry." Mahalagang pinakakawalan ito sa tamang pagkakataon. Dahil baka dumating pa sa puntong kahit sabihin mo pa iyon ng paulit-ulit ay hindi na kayang gamutin ng "sorry" ang sugat na naiwan sa taong iyong nasaktan.May mga nakaalitan ako nung nakaraan at in-expect kong ibibigay nila ang kailangan kong marinig na "sorry." Pero nagdamot pa sila, kaya ayun, na-immune na ako sa sakit. Kaya naman, kapag sa mga hindi maiiwasang pagkakataon at nagkikita kami ng mga taong iyon. Mino-motivate ko ang sarili ko sa pinaka-latest kong motto sa buhay: "Wala akong nakita, wala akong narinig!" Tae na lang sila sa buhay ko ngayon.Mas pinahahalagahan ko na ngayon ang mga taong tumanggap at nagpahalaga sa akin sa kabila ng lahat-lahat. At hindi ko ipagdadamot ang salitang "salamat" para sa kanilang lahat. Hindi na nga lang ako magne-name drop kasi alam na nila iyon.Kasing halaga din ng "sorry" ang "salamat." Mahalagang pinakakawalan ito sa tamang pagkakataon. Dahil baka sa ikli lang ng panahong ilalagi natin sa mundong ito, hindi na nila malaman ang iyong pasasalamat kung hindi mo sasabihin.Kaya naman, para sa mga ka-brainwaves ko diyan... Maraming-maraming salamat sa inyo. Salamat sa pagtatayo ninyo sa akin mula sa pagkakadulas ko sa mga tae diyan sa tabi-tabi. Salamat kasi kahit tae din ako paminsan-minsan hindi niyo pa ako pina-flush sa buhay niyo.Kapag daw nakapanaginip ka ng tae, ang ibig sabihin niyon ay pera. Kaya naman ang mga kasama ko sa bahay kapag nalaman nilang may nakapanaginip sa amin ng tae, diretso agad iyon sa lotto-han para tumaya ng EZ2. Ang number daw kasi ng tae ay otso kaya sasamahan na lang iyon ng birthday ng nakapanaginip para maging dalawang combination. Hindi na kasi uso ang Jueteng, pero nung bata pa ako, nakiki-jueteng din ako kahit papiso-piso. Bukod sa pataba sa lupa, iyon lang yata ang silbi ng tae. Naisip ko tuloy, kung papipiliin ka sa dalawa, ano ang pipiliin mo. Isang buong araw na humahangin ng utot o labinglimang minuto na umuulan ng tae?Ang isang tae ay hindi produkto lang ng imahinasyon. Produkto ito ng mga kinain natin. Mga patapong bagay na hindi kailangan ng katawan. Pero hindi purkit patapon na ito, itatapon mo na lang din ito sa kung saan-saan, gaya ng karagatan. Dapat ay sa palikuran...Pero mabalik tayo sa gusto ko talagang sabihin mula pa kanina. Ayokong maituring na isang tae. Kaya ngayon pa lang humihingi na ako ng patawad sa lahat ng nasaktan ko, mula ito sa aking puso... Sorry...Bakit nga ba ako discuss ng discuss tungkol sa tae? Ewan ko nga ba talaga. Pero mayroon akong mahalagang ishe-share na tip at dapat itong palaging tatandaan. "Kapag matigas ang natatapakan, paa 'yon. Kapag malambot, tae na 'yon."

No comments:

Post a Comment