Sunday, October 25, 2009

TAPOS yung..

Ngayon alam ko na kung bakit hindi ako masaya... Hindi kasi tama ang mga ginagawa ko sa bawat araw. Nakalimutan ko na ksi ang simpleng paraan ng pagkakaroong ng healthy lifestyle...

Kahit saang anggulo talaga tignan ay masama ang nagpupuyat. Bukod sa magsasalit-salitan ang sakit sa bawat sides ng bumbunan mo. Bibigyan ka nito ng mga palpitations sa iba't-ibang parte ng katawan mo.

E ako kasi sa totoo lang matindi na ang insomnia ko... Lahat na yata ng pag-awit ng "Lupang Hinirang" bago mag-signing off ang iba't ibang TV Station, naaabutan ko...Pati nga ang Home TV Shopping na nagbebenta ng mga mahiwaga at kagila-gilalas na bagay, nasusubaybayan ko din.

Tapos dati ang kuwarto ko maayos na maayos. Ngayon wala na sa arrangement ang lahat. Ang mga libro nagkalat, thumbtacks.., photo album. Pati rin 'yung lalagyanan ng katol, punung-puno na ng abo...

'Yung briefs at mga damit nagkalat lang sa sahig dahil tinatamad akong maglaba. 'Yung kutson na higaan ko mabuhangin na din dahil maski ang pagwawalis kinatatamadan ko na din.

May mali ba sa utak ko??? May mali nga yata talaga e, kasi, pati ang Vicks na nananahimik. Napagti-trip-an kong lagyan ang butas ng ilong ko kahit wala naman akong sipon. At least legal ang pagiging "high" ko, di ba? Hindi ako huhulihin ng mga pulis.

At dahil sa tanghali na nga ako nagigising, hindi ako nakakapag-ehersisyo sa umaga. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Tamad na tamad akong kumilos sa bahay. Sa tindahan naman namin, dati ang mga gawain mabilis kong natatapos, ngayon lahat ay pine-pending ko...

Tapos nadadalas ang pagsasideline sa tabi-tabi. Dati ang bestfriend ko lang ay si GranMa, ngayon pati si The Bar, kinaka-close ko na sa inuman. Kaya ibang klase na talaga.

Nagdesisyon na ako. Ayoko na talaga. Gusto kong baguhin ang sistema ng buhay ko. Panget e... Panget talaga. Hindi maganda. Hindi masaya...

Kaya babasagin na natin iyan. Babasagin ko na paunti-unti ang mga pangit na nakagawian ko. Babalik ako sa basic. Matutulog na ako ng maaga. Para naman ma-refresh ang isip ko.

Tapos kakain ako ng mga tamang pagkain. 'Yung katamtaman lang. 'Yung kaing-kunwari ay in-love kaya nagda-diet. Iiwas na rin ako sa inuman kasi ang mga pulutan doon ay mga junkfoods. E ayon kasi sa nabalitaan ko ang softdrinks at junkfoods, masama daw sa kalusugan.

Kaya 'wag muna iyang mga iyan! Hindi malusog ang ispan ko sa ngayon. Basta wala muna iyang mga kung anu-anong nakasisira ng buhay. 'Yung normal lang. Hindi na kasi ako normal ngayon... Pati nga yata blood pressure ko, hindi na rin normal.

Wala naman sigurong masama kung nanaisin kong maging masaya. 'Yung saya na mararamdaman mo hanggang sa kaibuturan ng kaloob-looban mo.

Mahirap makamit iyon dahil nga sa ang lahat ay may bayad na. May bayad ang kalusugan... May bayad ang katarungan... May bayad ang kaligayahan... Ang wala na lang bayad sa ngayon ay ang kapayapaan ng isipan...

At magkakaroon lang ako ng katiwasayan. Kung sismulan ko sa simpleng paraan. At alam ko na ang simpleng paraan na iyon... Ang kailangan ko na lang gawin ay panindigan.

Kaya nga pipilitin kong gawin ang lahat. Ako naman talaga ang magbe-benifit kung FIT at healthy ako. Mas hahaba ang buhay ko. Tatagal ang pananatili ko sa mundo. Tapos, dahil sa matagal ang kontrata ko sa daigdig. E di malaki rin ang tsansang makamit ko 'yung mga hinahangad ko sa buhay...

Tapos 'yung mga susunod pa... E bahala na...

SA PUNO NG MANGGA






Kung ang lahat ng preso ay walang kasalanan, bakit sila nakakulong? Kung lahat sila ay napagbintangan lang, ibig sabihin ba niyon ang daming nakalalayang kriminal ngayon?

SUSUNOD!!! Ang mga pasabog tungkol sa nahuling illegal logger, kagabi... ABANGAN!!!

Bakit aabangan pa??? NOW NA!!!

..........May isang puno ng mangga ang nakatayo sa bukana papunta sa burol. Ipinagbabawal ng pamahalaan ang putulin ito dahil mahigit pa raw sa isang daang taon na itong naroroon.Dito nagtatagpo ang magkasintahang Kris at Boy.

Sa punong iyon nila pinalilipas ang mga oras at magkasamang nangangarap na balang araw ay makakabuo rin sila ng isang masayang pamilya saoras na maikasal na sila.

"Kris, mahal namahal kita. Hindi na ako makapaghintay sa araw ng kasal natin" niyakap ni Boy ang kasintahan.

"Huwag kang mainip sa makalawa ay ikakasal na tyo. Pangako, magiging masaya tayo habang-buhay." ani Ligaya habang hindi pa rin siya binibitawan ni Boy.

Tumayo si Boy at iniukit ang mga pangalan nila sa may sanga ng puno. Pinagmasdan nilang dalawa ang matayog na puno ng mangga. Tiningala nilaito at kapagdaka ay nagsalita si Boy.

"Ang punong ito ang naging saksi sa pagmamahalan natin. Kris, maaari ba'ng magkita ulit tayo dito bukas bago man lang tayo maikasal?"

Sumang-ayon naman si Kris sa naisip na iyon ni Boy. Kinabukasan, iniayos na niya ang kanyang dadalhin bago pa siya pumunta sa kanilang tagpuan. Nais kasing sorpresahin ni Boy si Kris kaya bibigyan niya ito ng kuwintas.

Subalit ng makarating siya sa kanilang tagpuan ay naabutan niyang nakabagsak na ang puno ng mangga. Nandoon ang ilang mga kalalakihan na may dalang de kuryenteng lagari at naririnig niya pa ang malakas na pagtunog nito. Sinubukan niyang pigilan ang mga ito ngunit sinabihan lang siyang huwag makialam. Walang anu -abo'y may narinig siyang sirena ng sasakyan. Hindi malaman ng mga lalaki ang gagawin kaya isa-isa itong nagpulasan.

Naabutan ng mga pulis na nandoon si Boy at hawak-hawak pa ang pamputol ng puno (Hep! Hindi sila na-late dito). Inakala ng mga pulis na siya ang may kagagawan kaya hinuli nila si Manolito.

Doon dumating si Kris. Umaawit pa ito habang naglalakad patungo sa kanilang tagpuan. Ganoon na lang ang pagkagulat niya ng makitang isinasakay ng mga pulis si Boy sa sasakyan at nakaposas ang kamay nito. Humahangos siyang lumapit kay Boy.



Sinabi sa kanya ni Boy na wala siyang kasalanan at nainiwala siya rito. Halos ayaw niyang bitiwan ang kamay ng kasintahan. Subalitpinaghiwalay na sila ng mga pulis. Tinangay na si Boy. Pinagmasdan niya na lang ito habang papalayo.

Naiwan si Kris na umiiyak sa harapan ng nakatumbang puno ng mangga. May napansin siyang maliit na kahon sa tabi nito at nang buksan niya naroon ang kuwintas na ibibigay sana ni Boy. Dahil doon mas lalo pang lumakas ang kanyang pag-iyak dahil naisip niyang hindi na magkakatotoo ang mga pangarap nila ni Boy.

.....Sa Pilipinas lang ba mabagal ang hustisya? Malamang oo, kasi sa mga napapanood kong pelikulang banyaga. Palaging nasa gitna ng aksiyon ang mga pulis doon. Hindi katulad dito laging nasa hulihan ng istorya.

WISH SA TALAHIB :D

Ang isang taon, mabilis lang pala talagang lilipas. Para kasing sa bawat pagkilos na nagaganap sa paligid. Naaalala ko ang taong naging mahalaga para sa akin.
Ganitong panahon rin noon, ang mga talahib namumulaklak na. Kaya kapag humahangin, nagliliparan ang mga sprout na kung tawagin namin nung mga bata pa kami ay "wish". Dati kasi'y ang paniniwala namin ay magkakatotoo ang hiling mo kung makakakuha ka nito at hihipan mo ito papalayo.
At ngayon sa bawat pagdampi ng hangin sa balat ko, mayroon akong alaalang naididikit. At kung mayroon akong maaamoy mabaho man o mabango, siguradong may magpapaalala sa akin sa mga panahong nagdaan.
Kapag may usapan sa paligid at maririnig ko ang pangalang Claire, bigla na lang akong kinakabahan. At kahit sa gitna ng maraming tao, tila ba nakikita ko pa rin siya. Minsan sinusundan ko pa para lang mapahiya ako sa sarili dahil hindi pala siya iyon.
Claire, oh mi Claire... Gusto kitang mahawakan ulit... At halikan ulit... At muling gawing ako lang ang gugustuhin mo...
ANG DAMING PARANOID SA NGAYON... may makita lang... may maamoy lang... may marinig lang... may mahawakan lang... may malasahan lang... napaparanoid na... Ako buti na lang inborn na ang paranoia sa akin...
E ano ngayon kung may dimples ka? Ano'ng akala mo, in-love pa rin ako sa iyo???
E ano ngayon kung enchanted ako sa kaputian mo, sa mata mo, sa buhok mo???
E ano ngayon kung kahit malayo ka pa lang ay nalalanghap ko na ang estrogen mo na nagpapataas sa testosterone ko...?
'Wag mong samantalahin ang taong nagmamahal sa iyo...Pahalagahan mo naman ang damdamin ko.
Hindi ako ang nagpaalam, hindi ako ang basta na lang nawala ng gabing iyon at hindi na nagpakita pa kahit kailan.
Nakakaasar kasi, sino ka ba sa buhay ko? Bakit patuloy ko pa rin minamahal ang alaala mo? Sana nga namatay ka na lang para alam ko kung nasaan ka? Sa langit ka lang naman mapupunta... Pero ako kasi ang pinapatay mo, pero ayokong mapunta sa impiyerno.
Hindi naman kasi kita minahal nung simula... Nabighani mo lang naman ako. Masyado ka kasing maganda, kaya nanatili ka sa photographic memory ko.
Nung matuklasan kong gusto kita hindi lang naman dahil sa sinabi iyon ng puso ko, dahil din iyon sa pheromones na nagbigay signal sa brains ko.
Pero ngayon hindi ko na kayang pagkaisahin ang isip at puso ko. Pinipilit kong buksan ang puso ko pero kusa na itong sumasara dahil sa mga pasakit na ibinigay mo.
Dahil sa matinding physical attraction ko ayaw nang huminto ng chemical reaction sa utak ko. Sana tumigil na ang hormones ko na nagpupumilit na mapalapit sa iyo.
At ngayong panahon na naman ng pamumulaklak ng mga talahib... Malamang magpupunta na naman ako sa talahiban para humiling sa maraming-maraming "wish" na naglilipadan sa kalangitan...



-jhayyz

ANG "OPM" SA BANSA NGAYON by: jhayyz

"Nakasusulat" ako ng talata sa salitang Ingles... (Tama! Nakasusu- hindi, Nakakasu- iyon ang tama! Iyon ang napag-aralan namin sa Sining ng Pakikipagtalastasan nung college)

NAKAKASULAT ako ng talata (he he!) sa salitang Ingles pero hindi ito kasing-bilis ng pagsulat ko sa salitang tagalog. Pero naisip kong may mga expresion sa english na ang hirap-hirap i-translate sa Filipino... Pilipino... Bakit nga ba letter "F" at "P" pa ang _ilipino? NAKAKALITO tuloy! Ooops! NAKALILITO pala!

Pero bakit nga ba ang nakatira sa America ang tawag sa kanila American? Bakit ang mga nakatira sa Philippines, bakit hindi matawag Na "Philippino"? Ang gulo ko 'di ba? Ang gulu-gulo nating lahat na nakatira sa bansang Pilipinas.

Letter "F" at "P" pa lang migraine na. E paano pa kaya kung dumating na ang trio ng "C.Z.S."?

Noong mid-90's nahilig ako sa OPM. Bata pa ako nung tanungin ko ang ate ko kung ano ang ibig sabihin ng OPM..? Ang sagot niya sa akin ay "Ol Pilipino Myusik". Ako naman si tanga ay naniwala, kaya hanggang sa mag-highschool, kumbinsidong-kumbinsido ako na iyon nga ang ibig sabihin ng OPM. Pero habang tumatagal nagdududa na ako sa katotohanang iyon. Saka ko lang natuklasang ORIGINAL PILIPINO MUSIC pala ang totoong ibig sabihin niyon.

Original? Pero bakit gano'n? Dati kapag narinig mo ang kantang "Nanghihinayang" alam mong original song iyon ng Jeremiah. Kapag "Kasalanan Ba" sa Men Oppose. Kapag "Sana ay Mahalin Mo Rin Ako" alam na alam kong sa April Boys iyon (e kapag kinakanta ko kaya iyon no'n, napapapikit pa ako). Dati 'yon...

Kung tutuusin mas talented ang mga mang-aawit ngayon. Mas kargado ng mga voice lesson at workshops. Pero wala nang mai-produce na ORIGINAL-HUGE-HIT-SONG. Nakakaawa naman sila Sheryn Regis at Rachelle Ann Go. Mga totoong may talent pero nasasayang lang dahil hindi ma-recognize. Kumikita sila, pero para lang silang hotel lobby singer na naka-secure ng album. Gusto ko ang style nila, kapag nanonood ako ng ASAP sila ang inaabangan kong umawit.

Ganunpaman, hindi lang naman silang dalawa. Marami pa... Naging cover country na nga ang Pilipinas. COVER... RENDITIONIST... REMAKE... Wala akong alam sa MUSIC INDUSTRY ng FILIPINAS. Taga-pakinig lang ako at paminsan-minsan bumibili ng original cd sa SM Manila.

Malayung-malayo na ang narating ng ng OPM... Malayo na sa konseptong originally sa acronym nito. Mabuti pa talaga ang Jeremiah noon, hanggang sa tumanda sila alam kong sila ang kumanta ng "Nanghihinayang".

Tsk tsk! Ayokong maramdaman ito, dahil alam kong may there's always a room for improvement. Peo hindi ko maiwasan ang manghinayang sa industriya ng O.F.M.

-jhayYz

NA UUSO NANAMAN

Bukod sa mga pornographic film na paborito kong panoorin sa portable DVD Player. Nahihilig din akong kumain ng "Jjampong na Pipitsugin" Ito 'yung noodles na babanlian lang ng mainit na tubig at makapipili ka pa ng ng kung anong flavor ang gusto mo.

Marami nang nausong pagkain ang itininda sa paligid-ligid. Nung magsimulang mauso ang pearl shake. Naintriga ako ng husto sa kung ano ba 'yung black pearl. Kaya bumili ako at sa pagdaan ng mga araw na iba-ibang flavor ang bibibili ko'y natuklasan kong pinakanagustuhan ko ang Cookies and Cream.

Ang isa pang nauso nung highschool pa lang ako ay ang shawarma. Pero hanggang sa oras na ito ay hindi pa rin ako nakakatikhim kaya wala akong masasabi tungkol dito.

Nung maging hit sa takilya ang calamares sa mga gilid ng kalsada. Nakikipag-buno pa ako makuha lang ang parteng galamay, dahil sa aking palagay mas mura 'yon sa halagang tres pesos. Pero bago ang calamares nauso muna ang mga stall na nagtitinda ng kikiam, squid ball, chicken ball at kung anu-ano pang may ball.

Nung matipos naman ako nung anim na taon pa lang ako ay naging paborito ko ang biskwit na Marie at ang Cherryball. Nauso din kaya 'yung bubble gum na maasim at 'yung bubble gum na kumukulay sa dila. Bakit kaya panay bubble gum ang kumakamada sa kukote ko? Baguhin naman natin ng bahagya... O di ba nauso din ang Plastic Baloon? Dati nga ipapalobo ko pa 'yon ng malaki tapos, isusuot sa ulo, tapos magpapalobo ulit at ipapatong hanggang sa maging tatlong layer ng lobo ang nakapatong sa ulo mo. At 'pag tinanggal mo na lalamukusin mo'ng parang papel at kapag nakita mo 'yung batang eengot-engot itutuktok mo sa noo niya kaya puputok at magugulat naman 'yung batang eengot-engot.

Nauso din nung bata pa ako 'yung tipak-tipak na scrap candy na kulay pula. Ang tawag namin dito ay Magic Candy. Sa halagang piso mabubungi ka na. Nauso din 'yung candy na kapag kinain mo ay pumuputok sa loob ng bibig mo.

Nagkakabanggitan na rin lang ng candy, isa rin sa all-time favorite ng marami ang Ice Candy na iba-iba ang flavor. Munggo, Milo, Grapes... Ayoko nang banggiting ang iba dahil hindi ko 'yon gusto. Naku 'eto pa, nauso din ang Ice Cream Stick, chocolate flavor lang ang nagustuhan ko.

Sa mga laruan nauso ang mga Trolls na iba-iba ang kulay ng buhok, nakahubo naman lahat. Matagal nang palaisipan sa akin ito kung kung babae ba o lalake si Trolls? Wala kasing pooot-poot at tooot-toot!!!

Nung mabait na bata pa ako niregaluhan ako ni Santa Claus ng laruang puppet na sumusuntok. Oo, nauso din 'yon!

Sa mga palabas sa TV. Nauso din ang Time Travel Tondekeman. Paborito kong panoodin 'yon dahil nakakapaglakbay sila sa ibat-ibang panahon gamit ang takure. Nauso din ang pagkatagal-tagal na Sailormoon, sa sobrang dami ng episode wala akong matandaan. Nauso din si Mojacko 'yung bilog na orange na mabalahibo.

Sa dami ng nauso, bakit kaya hindi mauso ang Family Planning sa Pilipinas? Kaya lang ayaw ng simbahan sa mga artipisyal na paraan. Kahit pa maganda ang layunin ng Reproductive Health Bill. Magiging talamak daw ang pakiki-apid. Bakit, hindi pa ba talamak??? Ewan ko nga ba sa mga kababayan ko, ayaw nila sa plastik, ayaw din nila sa prangka. E ano ba talaga?

Ganunpaman, hindi na mahalaga kung natural o artipisyal ang paraan ng pagpa-plano ng pamilya. Ang mahalaga ay mapabagal ang mabilis na pagdami ng populasyon. Karugtong ng pagdami ng tao ang kahirapan. Ang daming nag-aagawan sa kaunting oportunidad.

Nauso na ang Caregiving Course. Nauso na ang lahat ng magagandang gadget, Computers, Information Technology. Pero hindi pa din tayo nauusuhan ng pag-unlad sa bansa natin. Sayang ang mga emosyon at pagsisikap. Baka dumating ang panahon sa sobrang dami ng naghihirap, hindi na mauso ang mangarap...

Sa panonood ko ng mga pornographic film. Madami akong natutunang mga nauusong posisyon sa sex. May lying... May sitting... May kneeling... Magkakaroon kaya ng Flying Position?


-=jhayYz

#0001 ni jhayyz huling salin.

Nakakalokong sa gabi mismo na ngumiti ang langit nung December 1 ay siya namang pagbagsak ng mga luha ko habang nanonood ng Games Uplate Live. Hindi nakakaiyak ang palabas dahil sa tagal ng pinapanood ko iyon ay hindi naman na-reformat ang show para maging drama. Gameshow iyon para sa mga may insomnia.

Hindi ko alam kung bakit basta na lang ako naluha. Hindi ko naman maituring na pag-iyak 'yon dahil hindi ako nahikbi. Magkaiba ang naluha sa umiyak. Pero matagal-tagal na pala mula ng huli akong maiyak. 'Yung huli kasi matindihang atungal ang ginawa ko. Kaya pagkatapos ay gumaan agad ang pakiramdam ko. At 'pag gising mugtung-mugto na ang mga mata ko at pakiramdam ko ay antok na antok ako buong maghapon at tila in-stapler-an ang mga talukap ng mga mata ko.

Pero ilang taon na ang nakalilipas mula noon. At ilang panahon na rin ang lumipas na sa tuwing pagod na pagod na ako, basta na lang pumapatak ang luha ko ng walang ka-strain-strain sa mga pupil at walang ka sound-sound. Para lang umaarte sa harap ng camera na magaling pa kaysa kay Coco Martin.

Kadalasan sa tuwing nanonood ako ng Games Uplate Live. Hindi ko talaga maiwasang magduda na pinapalitan nila ang mga sagot. Pero patuloy lang ako sa panonood dahil sabi ni Jaymee Joaquin ay monitored naman daw ng DTI Representative ang game mechanics pati ang pagtawag sa mga downloader na tatatawagan. Sumali ako noon ng ilang beses pero itinigil ko rin dahil alam ko na noon pa man na wala akong suwerte pagdating sa larangan na iyon. Pinagbigyan ko lang naman kasi ang panawagan ni Jaymee.

Risk-taker ako to the extreme at madami-dami na din akong sinugalan at ipinaglaban sa buhay ko hanggang sa huling minuto ng laban. Pero sa totoo lang, nagtatapang-tapangan lang naman ako at nasasaktan din ako bandang huli.

Sa mga nagdaang episode ng Games Uplate Live, habang nagho-host si Jaymee Joaquin, nasabi niya na: "When you're down, there's no way but to get up." Tumatak sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Alangan naman kasing bumagsak ka na ay lalo mo pang idadapa ang sarili mo. Pero sa totoo lang din, ang hirap kayang gawin niyon.

Pero may isang scientist yata ang sumasalungat sa panginoon kong si Jaymee Joaquin, hindi ko nga lang alam kung sino iyon basta ang sabi niya daw: "What comes up must go down."

At sa nakakaloko din pangyayari gaya ng pagpatak ng luha ko. Nais ko din sumang-ayon sa siyentipikong iyon. Sa kadahilanang parang minsan sa buhay ko naranasan ko din iyon.

-jhayYz

Kilala mo ba si KARMA???

Takot ako sa mga matataas na lugar, kahit nga nakikitra ko pa lang ito nalulula na ko. Kapag nakakakita ako ng malaking palaka ay natatakot din ako. "Yung balat kasi nila akala mo halimaw. Takot din ako sa mga kabute. Nagsimula ang takot ko sa mga kabute nung habang naliligo ako at makita kong may kabuteng tumubo sa banyo namin. 'Yung balat niya kasi parang halimaw din...

Pero takot din ako sa karma. Kaya nga sa ngayon pa lang nag-iipon na ako ng mga mabubuting gawain para matakpan ang mga kasalbahihan ko. Masyado na kasi akong nagiging walang pakundangan.

Ang karma ay hindi lang sa kung anong masamang ginawa mo ay iyon din ang babalik sa iyo. One is to two ang labanan. Kung gagawa ka ng isang kabalbalan, dalawang mabubuting bagay ang suklian niyon..

Ngayon, may magtatanong, e bakit 'yung mga batang humuhuli ng babuy-babuyan, tapos lulunurin lang sa loob ng bote ng softdrink na may tubig hindi nakakarma? Tapos iyung mga nagtutupada ng mga salagubang at pinagdidikit ang likod ng mga salagubang ng bubble gum, ang unang matihaya talo. Nakakarma din sila. Alam ko dahil napagdaanan ko na 'yon.

Kapag inangat mo kasi ang isang malaking bato sa lupa. Makikita mong maraming magtatalunang babuy-babuyan, at nung hinuli ko iyon at pinaglaruan. Binugbog ako ng nanay ko no'n. At nung matapos kaming maglaro ng wrestling ng salagubang nadikit naman sa shorts ko ang bubble gum. At binugbog na naman ako ng nanay ko. O 'di ba may karma talaga?

Ang karma ay maaaring paraan din ng Diyos upang magturo ng leksiyon sa mga tao. Halimbawa, kung ang kapatid mo ay naghihirap. Tapos nandiyan ka upang lumutas ng mga problema niya. Hinahadlangan mo ang daloy ng karma kapag ganoon. Dahil siya lang naman ang may kasalanan kung bakit siya ngayon baon sa utang. Pero dahil nga sa magkapatid kayo, hating-kapatid din pati sa bangis ni Karma Chameleon.

Madalas banggitin ng ate ko na nasa tabi-tabi lang daw si Carmi Martin. Kaya dapat mag-ingat. Kilala niyo ba si Carmi Martin? Siya 'yung asawa ni Roderick Paulate at 'yung kabit naman ni Kuya Dick si Amy Perez.

Ang pag-ikot ng karma sa buong mundo ay para lang lesson sa Science and Health, ang Evaporation Cycle. Ang dagat kapag kumulo sa init ng araw nagiging ulan. Sa pagbuhos ng ulan bumabalik naman ito sa dagat. Ang giyera, ang pagbagsak ng ekonomiya, baka nga pati din ang paglindol sa China ay dulot din ng karma... Baka lang, hindi ko rin alam.

Pangarap kong maging duktor no'n kaya tinutupad ko lang ang mga pangarap na iyon. At bilang isang duktor ay ito ang natuklasan ko:

MGA SINTOMAS NG KARMA

1. Bumalik sa iyo ang masamang ginawa mo.

2. Maiisip mo'ng: Bakit mo nga ba ginawa iyon?

3. Malalaman mo na masakit pala.


-jhayYz

NATIONAL TREE Para saakin....

Taliwas sa pagkakaalam n g marami. Hindi mangga ang pambansang prutas ng Pilipinas kundi aratiles. Kahit saan lugar sa Pilipinas, mayroong puno nito, kaht sa probinsiya, kahit sa Metro Manila, kahit sa mga bakanteng lote at kahit nga sa mga nilulumot na pader ay mayroon ding tumutubong aratiles. Natuklasan ko iyon nung kinder pa ako, nung mapagtrip-an namin ng mga kalaro ko na manghuli ng mga ipis-bato. Nakita kong may binhi ng aratiles sa paborito naming tambayan ang kanal.

Speaking of kanal, nung isang araw may nakita akong mga bata na ngangapa sa kanal para manguha ng mga baryang nahuhulog at kung makakakuha ay ipangka-kara-krus nila. Wala pa rin talagang ipinagbago ang mga bata noon at ngayon. Dahil noon ang mga kalaro ko hilig din nilang mangalukay ng kanal. Ang kaibahan nga lang siguro medyo sosyal na sila ngayon dahil bumibili daw sila ng tig-pipisong naka-repak na chlorine para ipanglinis sa mga kamay nila.

Pero mabalik tayo sa aratiles. Ewan ko nga ba kung bakit hindi pa idinideklara ng Department of Agriculture at Department of Education Culture and Sports na ang ating pambansang prutas ay ang aratiles. Nang sa gayon ay maituro na ito ng mga guro sa mga mag-aaral sa elementarya.

Bukod sa GMRC na subject. Dapat isama na rin sa curriculum ang subject na ARATILES EDUCATION. Kami nga noon ang P.E. namin pabilisan sa pag-akyat sa puno at paramihan ng makukuhang bunga, dapat puro pula lang. Tapos kapag nagkadayan sa partihan, boksing naman.

Hay! Parte talaga yata ng buhay ng bawat bata ang aratiles. Pre-requisite ang subject na "Kasaysayan ng Aratiles" at kung hindi mo ito mate-take up hindi ka din makakapag-highschool. Pero umabot na ako sa edad na ito, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang english ng aratiles, basta ang tawag ko diyan nung college na ako "3PM".

Mayroon daw tatlong uri ng mga taong darating sa buhay mo. Ang una ay tila isang masarap na hangin na dumaan lang. Ang pangalawa ay malakas na ipu-ipo na maaaring iwanan kang sugatan, subalit matututo ka. At ang pangatlo ay sadyang ipinadala upang gamutin ka pagkatapos ng isang unos.

Sa bawat pagkakataon at mga kabanatang nagdaan sa buhay ko hindi ko maiwasang malungkot. Wala na yatang mas malungkot pa sa salitang paalam. At wala na rin yatang mas masakit pa sa salitang pagluha.

Luha... Paalam... Mabibigat na salita, at 'eto pa ang isang mabigat. Alaala... Sa bawat pagbabago maiiwanan ka talaga ng mga alaala. Sana sa bawat alaala ay kasing tamis din ng mga pulang aratiles na pinipitas ko nung ako ay munting bata pa. Pero ang ilan sa mga iyon ay mapakla at napag-dudulot pa sa iyo ng iti.

Bakit kaya may star sa bunga ng aratiles???

-jhayYz

ITLOG MAKATI ITLOG MAKATI ITLOG MAKATI ITLOG


Ilang araw nang nangangati ang itlog ko. Oo, as in bayag. At sa sobrang pagkamot ko, nagsugat na ito. Kaya nung una, nilagyan ko ng EFFICASCENT OIL, pero sa tuwing natutuyo na ang gasgas sa scrotum ko. Nakakatihan ko na naman kamutin dahil ang sarap naman talaga. Ewan ko pero malamang sa tuwing kinakalkal ko ito nasasapul ko ang mga nerve endings kaya may sensation na dumadaloy paakyat sa katawan ko. Kaya ang ending nabakbak na naman ang balat ng itlog ko. Kaya nilagyan ko ulit ng EFFICASCENT OIL, ang cool!!

Pero hindi na nakakatuwa ang pakiramdam na pagkatapos mong kamutin kung ano man ang makati, kirot naman ang mararamdaman mo kapag nabasa na ito ng tubig. Kaya naman sa tuwing bagong ligo ako natutunan ko na naman maglagay ng JOHNSON'S BABY POWDER. Pakiramdam ko baby na naman ako. Pero pansamantala lang ang ginhawang ibinibigay ng pulbos.

Ilang araw ng kalbaro ang dinadanas ko. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng paniniwala sa EFFICASCENT OIL. Kapag nakakapa ko nang naglalangib at nangangati na naman, apply lang ako. Kaya ang lamig-lamig naman sa pakiramdam. Extra Strength na nga daw iyon. Dati, nung bata pa ako, wala namang nakasulat na 'Extra Strength' sa label niyon.

Nakakatuwa naman isipin na sa pagdaan ng panahon ang EFFICASCENT OIL at JOHNSON'S BABY POWDER noon ay wala pa din ipinagbago. Kung paano ko sila nakilala noon ay ganoon pa din sila ngayon. Pero nadedesperado na talaga ako. Kaya humingi na ako ng tulong sa isa pang matagal ko nang kakilala na hindi rin nagbabago sa paglipas ng panahon.

'Eto talaga, walang biro, nung sakiting bata pa ako noon, iniimagine kong kami ng pamilya ko 'yung naka-drowing sa label nito. Siyempre, sino pa ba? E di ang FAMILY RUBBING COMPOUND ALCOHOL. Hindi lang pampamilya pang-sports pa... Pero hindi iyon, si Rhea and may commercial no'n.

Naglagay ako ng marami-raming alcohol sa kamay ko at idinampi ko sa nangangating betlog. At presto! Ayon! Mahapdi! Gaya lang ng inaasahan ko. Nanunuot talaga ang hapdi sa kaloob-looban. Kung hindi ka naniniwala e di i-try mo!

Kinabukasan, kataka-takang hindi na ako nakaramdam ng pangangati kaya pwede na akong makipag-laro ng: Itlog-itlog-itlugan, Assignment-assignment-suntukan, Ikaw-ako-walang gagalaw...


-jhayYz

MAHALAGA

Ewan ko ba, pero, siguro hindi magkakaroon ng saysay ang buhay, kapag hindi mo mararanasang makatapak ng tae sa kalsada... Kapag hindi mo na-experience. Hindi ka magiging "in" sa latest craze sa Pinas. Kaya ako, updated ako palagi, iba't ibang kulay na nga ng ebs ni Tagpi ang natapakan ko.Para sa akin, mas mabuti nang makatapak ka ng tae kaysa makatapak ka ng tao. Dahil ang tae kahit ilang beses mo pang tapakan, hindi naman iyon magrereklamo. Pero ang tao, kapag natapakan mo ang kanyang pagkatao. Siguradong aaray iyon.Kaya nga napakalaking bagay ang paghingi ng "sorry." Mahalagang pinakakawalan ito sa tamang pagkakataon. Dahil baka dumating pa sa puntong kahit sabihin mo pa iyon ng paulit-ulit ay hindi na kayang gamutin ng "sorry" ang sugat na naiwan sa taong iyong nasaktan.May mga nakaalitan ako nung nakaraan at in-expect kong ibibigay nila ang kailangan kong marinig na "sorry." Pero nagdamot pa sila, kaya ayun, na-immune na ako sa sakit. Kaya naman, kapag sa mga hindi maiiwasang pagkakataon at nagkikita kami ng mga taong iyon. Mino-motivate ko ang sarili ko sa pinaka-latest kong motto sa buhay: "Wala akong nakita, wala akong narinig!" Tae na lang sila sa buhay ko ngayon.Mas pinahahalagahan ko na ngayon ang mga taong tumanggap at nagpahalaga sa akin sa kabila ng lahat-lahat. At hindi ko ipagdadamot ang salitang "salamat" para sa kanilang lahat. Hindi na nga lang ako magne-name drop kasi alam na nila iyon.Kasing halaga din ng "sorry" ang "salamat." Mahalagang pinakakawalan ito sa tamang pagkakataon. Dahil baka sa ikli lang ng panahong ilalagi natin sa mundong ito, hindi na nila malaman ang iyong pasasalamat kung hindi mo sasabihin.Kaya naman, para sa mga ka-brainwaves ko diyan... Maraming-maraming salamat sa inyo. Salamat sa pagtatayo ninyo sa akin mula sa pagkakadulas ko sa mga tae diyan sa tabi-tabi. Salamat kasi kahit tae din ako paminsan-minsan hindi niyo pa ako pina-flush sa buhay niyo.Kapag daw nakapanaginip ka ng tae, ang ibig sabihin niyon ay pera. Kaya naman ang mga kasama ko sa bahay kapag nalaman nilang may nakapanaginip sa amin ng tae, diretso agad iyon sa lotto-han para tumaya ng EZ2. Ang number daw kasi ng tae ay otso kaya sasamahan na lang iyon ng birthday ng nakapanaginip para maging dalawang combination. Hindi na kasi uso ang Jueteng, pero nung bata pa ako, nakiki-jueteng din ako kahit papiso-piso. Bukod sa pataba sa lupa, iyon lang yata ang silbi ng tae. Naisip ko tuloy, kung papipiliin ka sa dalawa, ano ang pipiliin mo. Isang buong araw na humahangin ng utot o labinglimang minuto na umuulan ng tae?Ang isang tae ay hindi produkto lang ng imahinasyon. Produkto ito ng mga kinain natin. Mga patapong bagay na hindi kailangan ng katawan. Pero hindi purkit patapon na ito, itatapon mo na lang din ito sa kung saan-saan, gaya ng karagatan. Dapat ay sa palikuran...Pero mabalik tayo sa gusto ko talagang sabihin mula pa kanina. Ayokong maituring na isang tae. Kaya ngayon pa lang humihingi na ako ng patawad sa lahat ng nasaktan ko, mula ito sa aking puso... Sorry...Bakit nga ba ako discuss ng discuss tungkol sa tae? Ewan ko nga ba talaga. Pero mayroon akong mahalagang ishe-share na tip at dapat itong palaging tatandaan. "Kapag matigas ang natatapakan, paa 'yon. Kapag malambot, tae na 'yon."
Ewan ko ba, pero, siguro hindi magkakaroon ng saysay ang buhay, kapag hindi mo mararanasang makatapak ng tae sa kalsada... Kapag hindi mo na-experience. Hindi ka magiging "in" sa latest craze sa Pinas. Kaya ako, updated ako palagi, iba't ibang kulay na nga ng ebs ni Tagpi ang natapakan ko.Para sa akin, mas mabuti nang makatapak ka ng tae kaysa makatapak ka ng tao. Dahil ang tae kahit ilang beses mo pang tapakan, hindi naman iyon magrereklamo. Pero ang tao, kapag natapakan mo ang kanyang pagkatao. Siguradong aaray iyon.Kaya nga napakalaking bagay ang paghingi ng "sorry." Mahalagang pinakakawalan ito sa tamang pagkakataon. Dahil baka dumating pa sa puntong kahit sabihin mo pa iyon ng paulit-ulit ay hindi na kayang gamutin ng "sorry" ang sugat na naiwan sa taong iyong nasaktan.May mga nakaalitan ako nung nakaraan at in-expect kong ibibigay nila ang kailangan kong marinig na "sorry." Pero nagdamot pa sila, kaya ayun, na-immune na ako sa sakit. Kaya naman, kapag sa mga hindi maiiwasang pagkakataon at nagkikita kami ng mga taong iyon. Mino-motivate ko ang sarili ko sa pinaka-latest kong motto sa buhay: "Wala akong nakita, wala akong narinig!" Tae na lang sila sa buhay ko ngayon.Mas pinahahalagahan ko na ngayon ang mga taong tumanggap at nagpahalaga sa akin sa kabila ng lahat-lahat. At hindi ko ipagdadamot ang salitang "salamat" para sa kanilang lahat. Hindi na nga lang ako magne-name drop kasi alam na nila iyon.Kasing halaga din ng "sorry" ang "salamat." Mahalagang pinakakawalan ito sa tamang pagkakataon. Dahil baka sa ikli lang ng panahong ilalagi natin sa mundong ito, hindi na nila malaman ang iyong pasasalamat kung hindi mo sasabihin.Kaya naman, para sa mga ka-brainwaves ko diyan... Maraming-maraming salamat sa inyo. Salamat sa pagtatayo ninyo sa akin mula sa pagkakadulas ko sa mga tae diyan sa tabi-tabi. Salamat kasi kahit tae din ako paminsan-minsan hindi niyo pa ako pina-flush sa buhay niyo.Kapag daw nakapanaginip ka ng tae, ang ibig sabihin niyon ay pera. Kaya naman ang mga kasama ko sa bahay kapag nalaman nilang may nakapanaginip sa amin ng tae, diretso agad iyon sa lotto-han para tumaya ng EZ2. Ang number daw kasi ng tae ay otso kaya sasamahan na lang iyon ng birthday ng nakapanaginip para maging dalawang combination. Hindi na kasi uso ang Jueteng, pero nung bata pa ako, nakiki-jueteng din ako kahit papiso-piso. Bukod sa pataba sa lupa, iyon lang yata ang silbi ng tae. Naisip ko tuloy, kung papipiliin ka sa dalawa, ano ang pipiliin mo. Isang buong araw na humahangin ng utot o labinglimang minuto na umuulan ng tae?Ang isang tae ay hindi produkto lang ng imahinasyon. Produkto ito ng mga kinain natin. Mga patapong bagay na hindi kailangan ng katawan. Pero hindi purkit patapon na ito, itatapon mo na lang din ito sa kung saan-saan, gaya ng karagatan. Dapat ay sa palikuran...Pero mabalik tayo sa gusto ko talagang sabihin mula pa kanina. Ayokong maituring na isang tae. Kaya ngayon pa lang humihingi na ako ng patawad sa lahat ng nasaktan ko, mula ito sa aking puso... Sorry...Bakit nga ba ako discuss ng discuss tungkol sa tae? Ewan ko nga ba talaga. Pero mayroon akong mahalagang ishe-share na tip at dapat itong palaging tatandaan. "Kapag matigas ang natatapakan, paa 'yon. Kapag malambot, tae na 'yon."

ARAW o ULAN

Ayoko talaga sa panahon ng tag-ulan. Napuputikan kasi ako kapag naglalakad. Magastos pa dahil napipilitan akong mamasahe kahit malapit lang ang pupuntahan. Mas okay pa nga sa akin na mabasa ng pawis, huwag lang mabasa ng ulan. Dahil ang pinakaayaw ko talaga kapag umuulan ay tinatamaan ako ng matinding kalungkutan.Gustung-gusto ko ang tag-araw. Dahil sa panahon na iyon ay mas maligaya ako kaysa isang ordinaryong araw. Mabilis din makapagpatuyo ng nilabhang damit kaya ang mga polo ko na bulaklakin ang disenyo ay madalas kong nagagamit. Kapag summer din ay trip na trip ko ang magpa-tan ng balat.Ewan ko ba, pero kapag tag-init pakiramdam ko ay mas malakas ako. Pakiramdam ko'y akin lang ang buong oras at walang makakaagaw. Kung tutuusin, hindi lang dalawa ang uri ng panahon sa Pilipinas. Tag-araw... Tag-ulan... Tag-Pasko... Tag-Valentine...Dati ay masasabi mo pang sa mga petsang ganoon ay panahon ng tag-araw o di kaya ay tag-ulan. Pero ngayon kahit sa kalagitnaan ng matindihang pagsikat ng araw sa buwan ng Abril ay maaari na ring umulan dahil sa epekto ng Global Warming.Itong mundong ito ay tuluyan na talagang nabaliw. Hindi na niya maintindihan pati ang sarili niyang sistema at dumarami na ang taong naniniwalang ang bukas ay walang dalang bagong pag-asa. Kaya marami ang nasisiraan ng ulo dahil sa pabago-bago ang panahon.Ang buhay natin ay parang isang malaking katarantaduhan. Bibigyan ka ng matinding fighting spirit pero unti-unti ding mauubos iyon. Nangyari nang umasa ako ng buong puso dahil sa palagay ko'y iyon ang dapat gawin. Pero nabigo lang ako. Natutong umasang muli dahil sa iyon daw ang dapat. Para lang muli kong matuklasang wala naman pala talagang dapat asahan. hanggang sa tuluyan na akong mapagod umasa.Kaya gagawa ako ng sarili kong mundo. Iyong maganda at masaya. Para kung sa oras na kailangan ko ng lumabas sa mundong ginawa ko. Masasabi kong naranasan kong maging totoong maging maligaya kahit papaano.Sa medyo madami-dami ko din naman naging kaibigan at naging kaibigan. Alam nilang mahilig akong magsuot ng White T- shirt. Pero wala sa kanilang nangahas magtanong kung bakit nga ba? At ang sagot ko'y simple lang naman. At least, kahit sa Disyembre ay pwede kong isiping summer pa din at iyon ay choice ko.Magiging malungkot ako sa mga panahong dapat ay malungkot ako. At magiging masaya ako sa mga panahong dapat at masaya ako. Ganoon lang kasimple, pero dahil sa luku-luko na talaga ang mundo, sa simpleng bagay na gusto kong maramdaman pati yion ay ginagawang komplikado.Ayoko talaga sa panahon ng tag-ulan dahil hinahatak akong lumakad sa gitna ng ulan. Upang maramdamang sa bawat pagpatak at pagbuhos nito ay mahuhugasan ang masakit na pakiramdam sa kaluluwa. Isang malaking kalokohang dramang marami na ang bumili, gumawa, at sumikat.Mas gusto ko pa rin ang tag-araw dahil mas madaling isiping ang mukha mo ay isang smiley at may hawak kang isang lobong may mukha ding smiley.Kapag idinrowing mo ang ulan di ba, isang ulap na may pumatak na tubig? At kung lalagyan mo pa ng mukha ang ulap magmimistula itong lumuluha? Kaya para sa akin, simbolo ito ng kalungkutan. At ang araw ay madalas iguhit sa papel na nakangiti. Mga taong may sira lang ang ulo ang magdodrowing ng araw na umiiyak.

-jhayYz

Ano. TITTLE??

Taliwas sa sinasabi ng marami. Marunong nama akong magbasa ng bibilya. Hindi nga lang kasing galing ng katukayo kong si San David. Pero talagang marunong ako. Halimbawa;
Pagbasa mula sa aklat ni DAVID 3:16-17 na edad ng dalaga ay hindi pa rin maaaring i-harass dahil makukulong ka. Maghintay pa ng isang taon at baka maaari na...
'Eto pa'ng isa...
Pagbasa mula sa aklat ni DAVID 5:1-2... Ang kasunod na bilang ay 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9...
Marami akong hindi nauunawaan tungkol sa Diyos. Gaya ng kung bakit hinahayaan niyang mangyari ang mga bagay na alam niyang ikalulungkot natin. Hindi ba't parang pinaglalaruan lang tayo? Pero mas mabuti na iyon kaysa naman si Satanas ang maglaro ng buhay ko.
Ang bawat sakit na nararamdaman ay sa lupa lang dapat palayain at palipasin upang hindi na maging isang multong pagala-gala sa mundo.
Bukod tanging ikaw lang naman ang gagawa ng iyong sariling langit at impiyerno. Sa maniwala ka't sa hindi, ang lahat ay nakadepende lang mismo sa iyo. Gaya ng kung gaano kahirap paniwalaang namatay ang kumpare kong si Hesus para sa sanlibutan.
Nakadepende lang talaga sa paniniwala at pananampalataya. Ang pananampalataya ay hindi scientfical or logical. Ang lahat ay nake-depende sa iyo kaya walang ibang pinakamahirap na kalaban kundi ang sarili mo.
Halimbawang mamamatay ako ngayon at haharap na ako sa Diyos. Sasabihin ko sa kanya na maayos ko naman pinatakbo ang buhay ko at pinilit ko'ng maging maligaya. Pero may itatanong ako sa kanya. Bakit ako hindi naging kasing suwerte ni KC Concepcion na mayaman at sikat ang mga magulang? Bakit kapag sinabi nila Ernie, Bert, Grover at Prairie Dawn ang "Play with me?" ay sumasagot ako ng "Sesame!"? Bakit pagkatapos ipunin ang mga finalist ng American Idol ay isa-isa rin itong tatanggalin?
Bakit ba ganoon ang mundo? Ang hirap-hirap lumaban ng patas? Para tayong mga characters ng Street Fighter II na may kanya-kanyang ipinaglalaban pero tayo-tayo din ang magkakalaban.
Ang hirap hanapin ng Diyos at kung makita mo man siya ay baka madiagnose ka pa na may psychosis at schizoprenia dahil may nakikita ka na at naririnig pa na kung anu-ano. At kung pilitin mo mang maghanap sa kung saan-saan ay baka maghanap ka na lang habang-buhay. Dahil ang totoo, makikita mo siya sa loob ng puso mo.
Pagbasa mula sa aklata ng ka-jamming kong si Mateo 1:43-44 "Lukas, tumahimik ka na. Hindi bagay sa image mo ang mga pinagsasasabi mo."
Pagbasa mula sa aklat ng kabiruan kong si Juan 6:20 "Oo nga, manahimik ka na!"
Pagbasa mula sa aklat ng ka-close kong si Marko 3:3 "Lukas, ano'ng nangyayari sa iyo? Are you with us?
Pagbasa mula sa aklat ni DAVID 2:3 "Ok, fine..."



-jhayYz

AKO si JHAyyZ!!

AKO si JHAyyZ!!

Ako si jhayyz... At ito ang isa sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Mapang-inis ako, dahil ito ang isa sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Pinipilit kong maging mabuting tao. Pero huwag mo akong sasaktan, dahil masasaktan din kita. Dahil iyon ang isa sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Marami na akong mga pangarap na napilitiang bitiwan kahit ayoko naman, dahil iyon ay isa sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Kung sa bawat pang-iinsultong naramdaman ko ay naningil ako ng bayad. Malamang mayaman na ako. Pero hindi, tinanggap ko lang dahil iyon ang isa sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Punung-puno ako ng pagiging inconsistent sa buhay kahit sinusubukan ko naman magpaka-consistent... Ngunit ito ang isa sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Mayroon akong komplikadong buhay. Mayabang ako pero minsan insecure ako. Nakakaasar pero iyon ang ang isa sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Alam ko kung ano ang mga gusto kong mangyari sa buhay ko, kaya hindi tamang sabihin na naguguluhan lang ako. Hindi ko nga lang kasi maisagawa ang mga totoong gusto ko dahil iyon ang isa sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Tumalino lang naman ako ng bahagya kaya nakakapagbahagi ako ng buhay ko. Kaya parang ang tapang ko. Pero iyon ay isa sa mga pagkakataong hinihingi lang ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Nagkamali ako... Masyado akong nagmadali sa buhay. Kaya sa sobrang pagmamadali ko marami akong nakaligtaan. Hindi maiiwasan iyon dahil isa 'yon sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Sino ba naman ako? Wala pa nga akong napapatunayan sa mundo. Struggling pa rin ako. Nakakasawa na nga pero isa iyon sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Graduate na ako sa pagiging paranoid. Pero kung kinakailangang maging paranoid uli ako. Bakit naman hinde? E kung iyon ang isa sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Wala akong sipon pero naaadik akong maglagay ng Vicks sa ilong ko dahil ito ang isa sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Wala nakong maisip na sabihin pa. Wala na akong maisip. Siguro naman iyon ay isa rin sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Kalilangan nang matapos ang walang kwentang pagmumuni-muni na ito dahil isa lang naman ito sa mga pagkakataong hinihingi ng pagkakataon...
Ako si jhayyz... Ito ang isa sa mga pagkakataong hihingin ko na bigyan sana ako ng isa pang pagkakataon...
Ako si jhayyz... Isa-isa... Araw-araw... Taon-taon..
Ako si jhayyz...
Ako si...?
Ako!


-jhAyYz